Nasakote ang isang babae na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person ng City Special Operations Group sa tatlong bilang ng Estafa nito lamang Lunes, Setyembre 29, 2025 bandang 12:10 ng tanghali sa Candelaria Street, Barangay 76-A, Ecoland, Davao City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Janet”, 57 anyos, may asawa, isang laborer, at residente ng Emerald Street, Illumina Estates, Purok 3, Barangay Communal, Davao City.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong tatlong bilang ng Estafa na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php164,000.00.

Patuloy sa mandato ang PNP na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *