Aprubado na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2534 o “An Act Providing for a 100 Pesos Daily Minimum Wage Increase for Employees and Workers,” na naglalayong madagdagan ng Php100 ang daily minimum wage sa lahat ng mga manggagawa sa mga pribadong sektor sa buong bansa.

Ang naturang panukala ay pinaboran ng 22 senador at nakakuha ng zero negative votes at zero abstentions.

Matatandaang taong 1989 pa ng magkaroon ang bansa ng huling legislated wage hike sa bisa ng Republic Act No. 6727 o ang Wage Rationalization Act, kung saan nakasaad na ang mga sahod ay itatakda sa rehiyonal na batayan ng regional wage boards.

Sa kasalukuyan ang NCR ang may pinakamataas na daily minimum wage na Ph610 sa buong bansa na sinundan naman ng CAR na may daily minimum wage na Php430 habang ang BARMM naman ang mayroong pinakamababang daily minimum wage na Php361.

Ayon naman kay Senador Jinggoy Estrada, Chairman ng Senate Committee on Labor, ang pag-apruba ng Senado sa panukala ay pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagawang pinoy sa gitna ng tumataas na halaga ng pamumuhay at presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *