Matagumpay na idinaos ang Kasalan ng Bayan sa Barangay Agusan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-27 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, ang seremonya katuwang sina Konsehal Edgar Cabanlas, Eric Salcedo, Dr. Paolo Gaane, at SK Federation President Kenneth Sacala. Dumalo rin si Barangay Agusan Punong Barangay Andrew E. Melliza kasama ang mga opisyal ng barangay.

Aabot sa 52 na mag-asawa ang ikinasal sa nasabing programa na bahagi ng Klarex Serbisyo sa Baryo (KSB), na nagdala rin ng iba’t ibang pangunahing serbisyo sa mga barangay tuwing araw ng Sabado.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Uy, ang kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng isang matatag na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *