Isang makulay at masayang selebrasyon ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Sur sa paggunita ng Family Day 2025 bilang pagtatapos ng Family Week Celebration nito lamang noong Setyembre 26, 2025.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor mula sa buong lalawigan, na nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang kahalagahan ng bawat pamilya sa komunidad.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang makulay na parada na nilahukan ng iba’t ibang cluster mula sa iba’t ibang bayan at tanggapan.

Agaw-pansin ang mga kasuotan at dekorasyon na nagpapakita ng kultura, kasaysayan, at pagkakaisa ng bawat grupo.

Ipinamalas rin ng mga kalahok ang kanilang talento sa mga tampok na pagtatanghal tulad ng ethno jazz street dance at showdown, spoken word poetry, vocal duet, at isang napakakulay na drag queen performance na nagbigay ng kakaibang aliw sa mga manonood.

Sa kabuuan, ang Family Day 2025 ay hindi lamang naging isang kasiyahan, kundi isang patunay na ang pagkakaisa at pagmamahalan sa loob ng pamilya ang tunay na lakas ng Davao del Sur.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *