Nagpasiklaban ang 20 tartanilya na kasali sa pagtatanghal bilang bahagi ng Diyandi Festival sa Iligan City, Lanao del Norte nito Setyembre 28, 205.

Ang mga kalahok ay pinangunahan ng mga lokal artist at kutsero ng nasabing lungsod at mga karatig na probinsya, na nagpamalas ng kanilang talento sa pagdidisenyo at pagpapaganda ng mga tartanilya.

Nagbigay ng puntos ang mga hurado batay sa mga kriteria tulad ng pagkamalikhain, pagkakaisa, at pangkalahatang impresyon.

Nasungkit ng grupong Ivangers ang Grand Champion habang 1st runner-up naman ang Yano Iliganon na sinundan ng New Bee at team Ramboo.

Ang mga nanalo sa patimpalak ay nakatanggap ng mga premyo, kabilang ang P25,000.00 para sa kampyeon na artist at P7,000.00 para sa kutsero ng winning tartanilya.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng mga talento ng Iliganon at sumisimbolo sa yaman ng kultura at sining ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *