Mahigit 120 guro at kawani ng Department of Education (DepEd) mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin mula sa mga Child Development Centers (CDC), ang lumahok sa 2-araw na Storytelling Workshop na nagtapos noong Setyembre 25, 2025 sa Tagum City, Davao del Norte.

Ang aktibidad na pinamagatang “SUGILANON SA TAGUM: The Tagum Storytelling Workshop and Festival 2025” ay pinangunahan nina City Councilor Caira Isabelle Uy-Salazar, City Librarian Enrique Donaire, Early Child Care and Development Focal Frelyn A. Hernando, at City Tourism Council Cultural Officer Lucio Jamero.

Layunin ng programa na sanayin ang mga guro sa mas epektibong paraan ng pagsasalaysay ng kwento upang magamit ito bilang kasangkapan sa pagtuturo ng tamang asal sa mga kabataan.

Sa huling araw ng workshop, nagkaroon ng storytelling showcase ang mga kalahok sa Herminigildo Baloyo Hall kung saan kanilang ipinamalas ang mga natutunan sa pagsasalaysay.

Inaasahang magiging taunang aktibidad ito sa Tagum at may posibilidad pang dalhin ito sa international stage sa mga susunod na taon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *