Umarangkada ang feeding program para sa 120 mag-aaral ng San Vicente Elementary School, Jabonga, Agusan del Norte nito lamang Setyembre 29, 2025.
Ito ay handog ni Police Captain Venecar R. Mazo, Officer-In-Charge ng Jabonga Municipal Police Station, katuwang sina G. Rolly A. Tragua, School Head at Chairman ng Municipal Advisory Council (MAC), at mga guro ng nasabing paaralan.


Layunin ng programa na mapalakas ang kalusugan at mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain.
Pinalalakas din nito ang ugnayan at pagtutulungan ng PNP, sektor ng edukasyon, at komunidad para sa kapakanan ng kabataan.
