Nasabat ang tinatayang Php1,988,074 halaga ng
puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Pangawan, Barangay Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat dakong 11:30 ng gabi nito lamang Oktubre 1, 2025.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina alias “Bong”, 36-anyos, drayber, residente ng Cotabato City; alias “Mar”, 30-anyos, drayber, residente ng Cotabato City; at si alyas “Ak”, 26-anyos, helper, residente naman ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nasamsam mula sa kanilang sasakyan ang 44 kahon ng Cannon cigarettes, anim na kahon ng Berlin Red cigarettes, at 30 reams ng Berlin Red cigarettes.

Nabigo ang mga suspek na magpakita ng kaukulang dokumento kaya agad dinakip ng pulisya.

Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP at pinapa-alalahanan ang mamamayan na ang smuggling ay isang seryosong krimen na nagpapahina sa ekonomiya at banta sa kalusugan ng mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *