Narekober ng mga awtoridad ang tinatayang P918,750.00 halaga ng mineral ores sa ikinasang operasyon sa Sitio Tanawon, Barangay Limonda, Opol, Misamis Oriental noong Setyembre 30, 2025.
Nabatid na rumesponde ang mga tauhan ng Opol Municipal Police Station matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na pagmimina.
Narekober ang 625 sako ng mineral ores na pinaniniwalaang nakuha sa iligal na aktibidad habang nagsagawa ng follow-up operations upang matukoy ang mga responsable sa paglabag sa Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
Tiniyak ng PNP na patuloy ang kampanya laban sa iligal mining sa Northern Mindanao na nakakasira sa kalikasan at nanawagan ng kooperasyon ng mamamayan tungo sa pagkamit ng isang maunlad na pamayanan.