Nakiisa ang mahigit 100 Gender and Development (GAD) Focal Persons mula sa City Hall at mga barangay officials sa Intersex Caravan na isinagawa ng City Gender and Development Office noong Setyembre 29 sa City Tourism Hall, Cagayan de Oro City.
Pangunahing tagapagsalita sa naturang aktibidad si Jeff Cagandahan, isang Intersex Human Rights Advocate and Defender, na nagbahagi ng mahalagang kaalaman hinggil sa intersex identities, karanasan, at karapatang pantao.


Layunin ng caravan na magsilbing introductory learning session upang maipaliwanag ang mga palatandaan ng pagiging intersex, ang mga pagsubok na kinakaharap ng komunidad, at ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at inklusibidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, inaasahang mas mapapalalim ang pang-unawa at suporta para sa intersex community at higit na mapapalakas ang adbokasiya para sa gender sensitivity at human rights promotion sa lungsod.