Nagsagawa ng Mass Filing of Amnesty Application ang National Amnesty Commission sa Camp Bushra, Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur nito lamang ika-4 ng Oktubre 2025.

Ang programa ay inorganisa ng National Amnesty Commission sa pangunguna ni Chairperson Atty. Leah C. Tanodra-Armamento, katuwang ang Lanao del Sur PNP, NAC- Local Amnesty Board Secretariat, BTA, LAOO Lawyers, PAO-BARMM, Integrated Bar of the Philippines-Cotabato Chapter, at IDEALS Inc. Ang amnesty ay ipinagkakaloob sa mga dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at iba pang armadong grupo na nagnanais bumalik sa lipunan at magbagong-buhay.

Ito ay naglalayong ipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pagpapatibay ng kapayapaan at katarungan sa rehiyon ng Bangsamoro.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *