Nasakote ang isang Top 10 Most Wanted Person Provincial Level sa kasong Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Gapuh, Brgy. Talabaan, Zamboanga City nito lamang Oktubre 4, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Acel”, 19 anyos, lalaki at residente ng Sitio Gapuh, Brgy. Talabaan Zamboanga City.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at katahimikan sa ating pamayanan.