Narekober ang tinatayang P900,000.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental nito lamang Oktubre 8, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Javier”, residente ng naturang lungsod.
Nasamsam sa naturang operasyon ang 15 master cases na may kabuuang halaga na aabot sa P900,000.00.
Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP at pinapa-alalahanan ang mamamayan na ang smuggling ay isang seryosong krimen na nagpapahina sa ekonomiya at banta sa kalusugan ng mamamayan.