Bumisita si Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., Acting Chief ng Philippine National Police sa Divine Mercy Shrine para sa pagninilay, gabay at mas pinatibay na pananampalataya para sa lahat ng mga miyembro ng organisasyon sa Divine Mercy Shrine, El Salvador City, Misamis Oriental nito lamang Oktubre 9, 2025.
Kasama sa naturang pagbisita ang mga matataas na opisyal ng PNP, Police Regional Office 10 at National Support Unit (NSU).



Ang paglaan ng oras ay para magpasalamat sa lahat ng biyaya, gabay at matibay na pananampalataya ng kapulisan sa Panginoon, habang ginagampanan ang sinumpaang tungkulin upang tuldukan ang insurhensya, terorismo at kriminalidad sa tulong at kooperasyon ng mga mamamayan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.



Photos by: Misamis Oriental Police Provincial Office