Ang Golden Beach Resort na may pinakamurang entrance fee sa halagang P20.00 na may White Sand Beach Resort ay matatagpuan sa

sa Barangay Kabug, Kapatan, Glan, Sarangani Province.

Matatagpuan ito sa isang tahimik at mala-paraisong lugar na may puting buhangin at malinaw na dagat perpekto para sa mga gustong mag-relax at mag-enjoy nang hindi kailangan gumastos ng malaki.

Matatagpuan ang resort humigit-kumulang 40 minuto lamang ang biyahe mula sa General Santos City, kaya napakadaling puntahan kahit para sa mga biglaang lakad ng pamilya o barkada.

Ang entrance fee ay talagang abot kaya ₱20.00 lamang para sa mga adult at ₱10.00 para sa mga batang edad pito pababa.

Samantala, kung nais mong manatili sa loob ng resort, may mga cottages silang nagkakahalaga ng ₱500.00 hanggang ₱1,000.00 para sa day rate at ₱700.00 hanggang ₱1,500.00 para sa night rate, depende sa laki at lokasyon ng cottage.

Hindi lang yan marami ring activities at amenities na puwedeng subukan ng mga bisita.

Maaaring mag-renta ng bangka sa halagang ₱300.00, mag-boat tour na maaaring mapag-usapan ang presyo, o kaya’y mag-camping kung nais mong dalhin ang sarili mong tent.

Puwede ring mangisda (kung may sarili kang gamit), maglayag, at mag-videoke sa halagang ₱5.00 para sa dalawang kanta.

Mayroon ding sari-sari store para sa iyong mga pangangailangan at isang mini stage para sa mga event o simpleng kasiyahan sa tabi ng dagat. Isa pa sa mga magagandang balita hindi mo na kailangang magbayad ng Glan Environment Fee na ₱50.00, kaya mas makakatipid ka habang nag-eenjoy sa tanawin at sariwang hangin ng dagat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *