Nadiskubre ang dalawang pampasabog sa Sitio Upper Siawan, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-8 ng Oktubre 2025.

Nabatid na naghuhukay ng lupa para sa ipapatayong bahay ang isa sa mga residente ng naturang lugar nang madiskubre ang naturang pampasabog.

Narekober ang apat na Rocket-Propelled Grenades (RPG) at dalawang bala ng rifle.

Patuloy na pinaaalalahanan ng PNP ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang kahina-hinalang bagay na posibleng naglalaman ng pampasabog upang maiwasan ang sakuna at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *