Isinagawa ang Training Induction Program ng Photovoltaic System Installation NC II Community-Based Training para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberatio Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-7 ng Setyembre 2025.
Ito ay dinaluhan ng 10 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, 10 ng Moro National Liberation Front, Ministry of Basic, Higher and Technical Education-Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) at sa aktibong suporta ng mga personahe ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) team ng Regional Mobile Force Battalion 14-A na naging pangunahing tagapag-turo.


Layunin ng naturang pagsasanay na matututuhan ang tamang pag-install ng solar o photovoltaic system.
Nilalayon din nitong maipabatid ang mga patakaran, alituntunin, at pamantayan ng pagsasanay upang maihanda ang mga kalahok sa ligtas, epektibo, at de-kalidad na pagkatuto na magagamit sa hanapbuhay at pagpapaunlad ng komunidad.