Nanalo at nagdala ng karangalan ang mga batang Iliganon matapos masungkit ang bronze medal sa kompetisyong WorldSkills ASEAN Manila 2025 na ginanap sa World Trade Center Pasay City noong Agosto 25-28, 2025.

Sumama sa nasabing kompetisyon ang Mechatronics team ng Mindanao State University at Iligan Institute of Technology.

Ang WorldSkills ASEAN ay isang kompetisyon na nagpapakita sa larangan ng teknikal at bokasyonal na kasanayan ng mga kabataan.

Iba’t ibang bansa ang sumali sa nasabing kompetisyon na nagpasiklaban sa kanilang mga talento tulad ng Malaysia, Singapore, Indonesia, Laos, Cambodia, Brunei at iba pang bansa ng Southeast Asia.

Inirepresenta naman ni Norayah Acas, Provincial Director ng TESDA nito lamang Martes, Oktubre 7, 2025 sa City Hall Iligan City, Lanao del Norte ang Bronze Medalist Awardees sa Mechatronics Servicing at pinarangalan ang mga kabataan.

Nakatakda namang lalaban sa world competition ang nasabing grupo sa Taipei, Taiwan sa darating na Nobyembre.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *