Nasabat ang tinatayang P3.5 milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental nito lamang Oktubre 6, 2025.
Nasamsam sa naturang operasyon mula sa isang abandonadong white Isuzu Traviz Utility Van na may Plate Number KAP 2235 na may laman na 41 boxes at 439 reams ng Cannon at Menthol.
Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP at pinapa-alalahanan ang mamamayan na ang smuggling ay isang seryosong krimen na nagpapahina sa ekonomiya at banta sa kalusugan ng mamamayan.