Idinaos ang isang Inter-Agency Coordination Meeting noong Oktubre 11, 2025 na ginanap sa Kanato Hall, Subangan Complex, Barangay DMM, Mati City, Davao Oriental.
Ito ay pinangunahan ni Governor Nelson L. Dayanghirang, Kasama sa mga lumahok sa pagpupulong sina DepEd Secretary Sen. Juan Edgardo “Sonny” M. Angara, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DPWH Secretary Vince Dizon, at SAP for Eastern Mindanao Secretary Leo Tereso A. Magno, na nagpahayag ng buong suporta ng pambansang pamahalaan sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng pagpupulong na ito na pagtibayin ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mabilis at organisadong pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.
Sa ilalim ng masigasig na pamumuno ni Gov. Dayanghirang, pinagtibay ang mga plano para sa relief operations, damage assessment, at rehabilitasyon sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pagyanig.

Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa PHIVOLCS, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mga Local Government Units (LGUs), at ang Davao Oriental Police Provincial Office na pinamumunuan ni Polive Colonel Ritchie S Bucol, Provincial Director.
Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin ni Gov. Dayanghirang, ang kahalagahan ng pagkakaisa, koordinasyon, at agarang aksyon upang matugunan ang mga hamong dulot ng kalamidad.