Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Misamis Oriental sa pangunguna ni Governor Juliette Uy, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development at Provincial Social Welfare and Development ng mga relief supplies para sa mga residenteng naapektuhan ng demolisyon sa PHIVIDEC nito lamang Oktubre 9, 2025.

Kabilang sa mga lugar na nabigyan ng tulong ay Sitio Dinugon, San Martin, Villanueva, Sta. Ana, Tagoloan, Santa Cruz, Baluarte, at Mohon.

Ang mga benepisyaryo ng nasabing relief operation ay mga miyembro ng Higaunon Tribe – Elsahitrico, isang grupo ng mga katutubong Pilipino.

Ipinahayag din ng nasabing mga tribu ang kanilang taos-pusong pasasalamat kay Governor Juliette Uy at sa DSWD/PSWD sa tulong at malasakit na kanilang natanggap.

Sa pamamagitan ng aktibo at sistematikong relief operations, sinisiguro ng pamahalaan na walang maiiwan o mapapabayaan sa panahon ng krisis at kagipitan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *