Matagumpay na naisagawa ang relief goods operation bilang bahagi ng patuloy na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo sa Brgy. Tumbao, Mangudadatu, Maguindanao del Sur nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.
Sa pagtutulungan ng LGU, PNP at iba pang Community partners, matagumpay na naipaabot ang tulong sa mga residenteng nangangailangan.


Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng matatag na pagkakaisa ng mga kapulisan, DSWD at pamahalaan.
Sa tulong at aktibong presensya ng kapulisan, naisagawa ang operasyon ng pamamahagi sa maayos at maagap na paraan, na naghatid ng kinakailangang tulong at pag-asa sa mga residente ng naturang lugar.