Pormal na inilunsad ang model house ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program sa pangunguna ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, kasama ang mga opisyal mula sa lokal at pambansang ahensya ng pabahay nito lamang Oktubre 13, 2025 sa City Hall Mini-Park, Cagayan de Oro City.

Ang 4PH ay pangunahing programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na layuning makapagtayo ng isang milyong housing units kada taon hanggang 2028 para sa mga pamilyang Pilipinong nangangailangan.

Sa kanyang talumpati, muling iginiit ni Mayor Uy, ang suporta ng lungsod sa 4PH at ang layunin ng lokal na pamahalaan na maitaguyod ang disenteng pabahay para sa bawat Kagay-anon.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Housing and Urban Development Department (HUDD), na nagpahayag ng suporta sa aktibong partisipasyon ng lungsod sa programa.

Ang Cagayan de Oro City ay isa sa mga unang lungsod sa Mindanao na nagpapatupad ng 4PH model housing project bilang bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya para sa abot-kayang pabahay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *