Muling bumalik ang liwanag ng nakaraan kung saan nagsama-sama ang mga senior citizen para sa isang masayang gabi ng sayawan, tawanan, at alaala sa ginanap na Senior’s Bayle Night sa City Hall Grounds ng Butuan City, Agusan del Sur nito lamang ika-12 ng Oktubre 2025.

Ipinatupad ito ng City Government of Butuan, sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga senior citizen na magsaya, magkasama at maramdaman na mahalagang bahagi pa rin ng lipunan.

Puno ng tugtugan ng mga lumang awitin at sayaw ang paligid habang makikita sa mga ngiti ng mga lolo at lola ang tunay na kasiyahan.

Ipinagmamalaki rin nito ang kanilang makukulay na kasuotan na sumisimbolo sa kanilang kapanahunan, ang panahon kung saan ang bayle o sayawan ang isa sa pinakaaabangang libangan sa mga baryo.

Bagaman nagbabago ang panahon, nananatiling buhay ang tradisyon ng bayle, isang pamana ng kultura na patuloy na ipapasa sa susunod pang henerasyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *