Nasakote ang isang tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kasong Attempted Murder sa Brgy. Del Pilar, Pinan, Zamboanga del Norte nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Lito”, 37 anyos, lalaki, at residente ng Brgy. Guipos Zamboanga del Sur.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na P120,000.00.
Ang patuloy na paghina ng teroristang grupo ay indikasyon na epektibo ang kampanya ng pamahalaan na tuldukan ang insurhensya sa bansa na balakid sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.