Narekober ng mga awtoridad ang tinatayang P3,633,600.00 halaga ng mineral ores at iligal mining equipment sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Opol, Misamis Oriental at Iligan City, Lanao del Norte noong Oktubre 22 at 24, 2025.

Nadakip ang suspek na si alyas “Rene,” 36, construction worker mula sa Tagum City, nag-ooperate ng rod mill at nagkarga sa mga basura na nagdala ng ginto.

Sa naturang magkahiwalay na operasyon ng kapulisan, narekober ang pitong rod mills, dalawang containing gold-bearing materials, at ibang equipment na nagkakahalaga ng Php2.5 milyon; 80 sako ng suspected mineral ores na may tinatayang halaga ng ₱133,600.00; limang rod mills, isang 3.0 HP electric motor, at limang sako ng mineral ores na nagkakahalaga ng ₱1 milyon.

 “Our sustained operations against illegal mining reflect our firm commitment to environmental protection and law enforcement. We will continue working closely with our partners to ensure accountability and preserve Northern Mindanao’s natural wealth,” mensahe ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Acting Regional Director sa Police Regional Office 10.

Source: Police Regional Office 10 RPIO

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *