Matagumpay na naisagawa ang Community-initiated Rido Settlement sa pagitan ng mga opisyal ng militar, lokal na pamahalaan ng Mamasapano, at kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nito lamang Oktubre 27, 2025.
Dumalo sa aktibidad sina 601st Brigade Commander BGen. Edgar Catu, 33rd IB Commander Lt. Col. Germen Legada, 90th IB Commander Lt. Col. Loqui Marco, Mamasapano Mayor Akmad Ampatuan Jr., Board Member Yasser Ampatuan at Mr. Ansari Manan ng MILF-CCCH.

Nabatid na nabigyan ang bawat pangkat na ipahayag ang kani-kanilang saloobin, mungkahi at mga hakbang upang tuluyang magkasunod.
Nagtapos ang dayalogo sa pamamagitan ng paglagda sa isang Peace Agreement, kasunod ng simbolikong pagkamay at yakapan ng magkabilang panig bilang tanda ng pagkakasundo at panata na iwasan ang karahasang makaaapekto sa mga sibilyan at kapit-bisig upang makamtan ang inaasam na kapayapaan at kaayusan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
