Timbog ang isang lalaki sa ikinasang dalawang search warrant operation ng mga awtoridad at nakumpiska ang iba’t ibang baril at mga bala sa Brgy. Lunao, Gingoog City, Misamis Oriental nito lamang Oktubre 25, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas ”Rayan” 30 anyos, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay dinakip sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakumpiska sa naturang operasyon mula sa dalawang bahay ng suspek ang isang homemade Cal. 38 revolver, isang homemade Cal. 22 revolver, anim na misfired Cal. 38 ammunition, limang Cal. 22 live ammunition, isang Cal. 22 empty shell, Isang Cal. 45 pistol with markings “COLT MFG. CO HARTFORD, M1911A1 US ARMY (UNITED STATES PROPERTY)” na may serial number 094511, isang Cal. 9mm live ammunition, pitong Cal. 45 live ammunition, isang blue sling bag, at Isang steel Cal. 45 magazine.
Ang PNP ay seryoso sa pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating komunidad.