Patay ang isang Indiano matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte bandang 2:00 ng hapon nito lamang Linggo, Nobyembre 2, 2025.

Kinilala ang biktima na si Jagmeet Singh, isang Indian national, sales collector at residente ng Rosary Heights 10, Cotabato City.

Nabatid na habang nangongolekta ng bayad ang biktima mula sa kanyang mga kliyente, bigla na lamang nilapitan ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki at walang habas na pinagbabaril.

Tinamaan sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP, tinitingnan na ang motibo sa pagpatay ay robbery-hold up dahil nawawala ang perang nakolekta nito, at nanawagan sa mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan sa mga nakakita ng insidente upang mas mapabilis na malutas at mabigyan ng hustisya ang biktima at pamilyang naiwan nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *