Narekober ang tinatayang P3-milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kahabaan ng Sitio Ticub, Barangay Pamotolon, Kalilangan, Bukidnon nito lamang Nobyembre 10, 2025.

Nabatid na narekober ang 75 master cases ng San Marino Cigarettes na may estimated market value na P3,000,000.00 mula sa mga suspek na si alyas “Malik”, 45 anyos, may-asawa, garbage truck driver, residente ng Zamboanga del Sur at alyas “Dupal”, 38 anyos, single, habal-habal driver, residente ng Marawi City, Lanao del Sur.

Nabisto ang iligal na aktibidad dahil naharang ang garbage truck at walang maipakitang OR/CR kaya nagsagawa ng inspeksyon ang kapulisan sa laman ng naturang truck at tumambad ang kargamento na mga puslit na yosi.

“This successful operation manifests our firm commitment to intensify border control and suppress the proliferation of smuggled goods within our region. PRO10 will remain relentless in enforcing the law to protect legitimate trade and uphold public trust,” pahayag ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10.

Source: PRO 10-RPIO

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *