Sumuko ang 16 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group sa mga awtoridad sa Brgy. Buayan, Datu Piang, Maguindanao del Sur nito lamang ika- 23 ng Nobyembre 12, 2025.

Hindi na pinangalanan ang mga naturang nagbabalik-loob sa pamahalaan para sa kanilang seguridad.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko din ng kanilang mga armas na isang M16A1 Rifle, dalawang 60mm Mortar, isang Sniper rifle, apat na RPG, isang M79 GL, isang Caliber .38 Pistol, isang FAL Rifle, dalawang M653 A1, isang Caliber 50 at isang Caliber 30 Sniper.

Patuloy ang pamahalaan katuwang ang militar at kapulisan sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa sa tulong ng mamamayan upang labanan at matuldukan ang anumang uri ng krimen at insurhensya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *