Narekober ang tinatayang P217,445.00 halaga ng puslit na yosi na nagresulta sa pagka-aresto ng isang suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Nobyembre 18, 2025 sa boundary ng South Upi at Barangay Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ruston”, 27 anyos, at residente ng Guindulongan, Maguindanao del Sur.
Narekober ang 277 reams ng Fort na smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P217,445.00 at nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
“This operation clearly reflects PRO BAR’s unwavering dedication to combating smuggling and upholding the rule of law within our Bangsamoro communities.” Pahayag ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region.
Source: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region