Isinagawa ng mga tauhan ng Davao del Sur Police Provincial Office ang outreach program kaugnay sa 33rd National Children’s Month 2025 na may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata Ipaglaban!” sa Brgy. Sibulan, Sta. Cruz, Davao del Sur nito lamang Nobyembre 20, 2025.

Naging posible ang aktibidad dahil sa pangunguna ni Police Colonel Leo T Ajero, Provincial Director ng Davao del Sur Police Provincial Office, Police Lieutenant Colonel Venus B Ortuyo, Deputy Provincial Director for Administration at stakeholders.

Nagbigay ng kasiyahan sa mga kabataan ang dalang aklat, eyeglasses, facemasks, mainit at masustansyang lugaw, sublimation T-shirts, food packs, at pa ice cream ng kapulisan.

Mas naging masaya ang aktibidad nang nakisaya at nagbigay-aliw sa kabataan ang mascot na si Jollibee.

Ang outreach program ng Davao del Sur PNP ay nagbigay inspirasyon at nagsilbing paalala na ang pagkalinga sa kabataan ay isa sa mga tungkulin ng kapulisan at pundasyon ng mas matibay at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *