Tinatayang mahigit P1.9 milyong halaga ng puslit na yosi ang narekober sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip ng isang pulis at isang indibidwal nito lamang madaling araw ng Nobyembre 27, 2025 sa Barangay JAS, Malabang, Lanao del Sur.

Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Abdul”, aktibong kasapi ng PNP na may ranggong Police Staff Sergeant at alyas “Ansary” 42 anyos, pawang mga residente ng Malabang, Lanao del Sur.

Narekober mula sa mga suspek ang isang puting Toyota Hi-Ace na may Plate Number NDG 3631 na may kargang 2,500 reams ng San Marino brand ng puslit na yosi na nagkakahalaga ng P1,962,500.

Nabatid na walang maipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek kaya agad dinakip ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Republic Act 10643 (Graphic Health Warning Law).

Patuloy sa pagsugpo sa smuggling ang PNP tungo sa isang payapa at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *