Isinuko ang iba’t ibang kalibre ng baril sa isinagawang Ceremonial Turnover of Firearms sa Bukidnon Police Provincial Office, Camp Captain Ramon M. Onahon, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Huwebes, Nobyembre 27, 2025.
Nabatid na 45 assorted high-powered firearms ang itinurn-over sa pamahalaan mula sa 32 Friends Rescued (FRs).


Ito ay dinaluhan ng mga kasundaluhan at kapulisan katuwang ang lokal na pamahalaan na may layunin na mapanatili ang kapayapaan kontra loose firearms.
Ito ay malinaw na mensahe ng pamahalaan sa kampanya na tuldukan ang anumang uri ng karahasan, kriminalidad, terorismo at insurhensya sa probinsya ng Bukidnon na balakid sa pagkamit ng katahimikan at kaunlaran sa ating bayan.

