Sugatan ang isang MBHTE Director General for Madaris matapos pagbabarilin sa bahagi ng Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City nito lamang umaga ng Huwebes, Nobyembre 27, 2025.
Kinilala ang biktima na si MBHTE Director General for Madaris Prof. Tahir Nalg, residente ng naturang lungsod.
Nabatid na sakay ng Toyota Fortuner ang biktima at pabalik na sana ng kanyang opisina sa Bangsamoro Government kasama ang driver at escorts nito nang bigla pagbabarilin ng riding-in-tandem sakay ng Suzuki Raider 150.
Agad naman naidala sa pagamutana at nasa mabuting kalagayan ang naturang opisyal ng MBHTE-BARMM.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Cotabato City PNP at nanawagan sa mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan sa mga nakakita ng insidente upang mas mapabilis na malutas at managot ang nasa likod ng insidente ng pamamaril.