Isinuko ang 27 na iba’t ibang uri ng armas at 11 explosives ng mga residenteng mula sa bumubuo ng bayan ng Zamboanga del Sur kaugnay sa official turnover ceremony sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program nito lamang Lunes, Disyembre 8, 2025.

Naging posible ang aktibidad dahil sa pagsisikap ng mga kinatawan ng 53rd Infantry (MATAPAT) Battalion, 102nd Infantry (IGSOON) Brigade, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, Unity (OPAPRU), Local Government Unit ng Labangan at PNP.

Hinihikayat naman ng pamahalaan ang iba pang mga residente na may hawak na loose firearms na isuko upang hindi magamit sa anumang uri ng karahasan at makiisa sa isinusulong na pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *