Wasak ang likod na bahagi ng sasakyan ng isang abogado matapos sumabog sa One Oasis Condominium, Ecoland Drive, Matina Village, Davao City nito lamang Hunyo, 15, 2023.
Ayon sa Davao City PNP, ang sasakyan ay pagmamay-ari ng abogadong si Atty. Alberto Magulta.
Agad namang nirespondehan ng Explosive Ordnance Disposal Unit (EOD) ng Davao City Police Office upang imbestigahan.
Ayon sa ulat, mayroong dalawang lalaki ang nakunan ng CCTV na naglalagay ng kung ano sa ilalim ng sasakyan bago ang pagsabog at ito’y sumasailalim na sa masusing imbestigasyon.
Ayon naman kay Police Colonel Alberto Lupaz, City Director ng Davao City Police Office, hindi terorismo ang intensyon ng pagpapasabog sa sasakyan ng abogado kundi upang takutin ito.