Nakiisa ang mga miyembro ng Office of the President sa isinagawang Community Outreach Program sa Besigan Elementary School, Besigan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-15 ng Hunyo 2023.

Nagkaroon ng lecture tungkol sa Executive Order no. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na may layunin na maihatid ang serbisyo sa mga mamamayan lalong lalo na sa Geographically Isolated Disadvantage Areas o GIDAS.

Ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob ang pamimigay ng food packs, pack lunch, tsinelas, libreng gupit at mobile library.

Nagkaroon din ng libreng medical at dental check-up na hatid ng Northern Mindanao PNP.

Nag turn-over din dalawang community water tub handog ng Revitalized Pulis sa Barangay.

Patuloy ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa pag-abot sa kasulok sulokang lugar sa bansa upang maihatid ang dekalidad na serbisyo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *