Nagbigay ng Cash-for-Work (CFW) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI, sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol noong Marso 2023 sa Davao de Oro, nito lamang ika 13 ng Hunyo 2023.
May kabuuang 4,829 na apektadong pamilya na may totally at partially damaged na mga bahay mula sa mga munisipalidad ng Compostela, Maco, Maragusan, Mawab, Monkayo, Nabunturan, at New Bataan ang nabiyayaan ng Php443.00 kada araw sa loob ng 15 araw o kabuuang Php6,645.00.
Ang CFW ay nagbibigay ng mga cash grant pagkatapos ng 15-araw na trabaho para sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna upang umalalay sa patuloy na pamamahagi ng kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, mga gamot, transportasyon, edukasyon, kabuhayan, pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, at iba pa.
Ang pagpapatupad ng cash-for-work program ay naglalayong suportahan ang mga local government units, pamilya, at komunidad na lubos na naapektohan ng kalamidad.