Nagdaos ng ika-55 na Charter Anniversary ang mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City nito lamang ika-15 ng Hunyo, 2023.

Nagsimula ang aktibidad sa isang motorcade na nilahukan ng ilang ahensya ng gobyerno at non-government tulad ng General Santos City Police Office, Joint Task Force Gensan (JTF Gensan), Pioneers and Descendants of General Santos, Fraternal Order of Eagles General Santos City at Department of the Interior and Local Government.

Samantala, nagsagawa rin ng awarding ceremony para sa mga nanalo sa General Santos City Heritage Photo Contest. Sa pagbubukas ng programa,si Zaidee Krissel Morales ang unang nakakuha ng puwesto, si Zamantha Clarice Morales ang pumangalawa, at si Mark Tablingon para sa ikatlong pwesto.

Noong Hulyo 8, 1968, ang Munisipalidad ng General Santos ay ginawang lungsod sa pag-apruba ng Republic Act No. 5412, na inakda ni dating Congressman James L. Chiongbian. Ito ay pinasinayaan noong Setyembre 5 ng taong iyon, kung saan si Antonio C. Acharon ang naging unang alkalde ng bagong lungsod.

Noong Setyembre 5, 1988, isang dekada matapos ang pagpapasinaya nito bilang isang Chartered City, idineklara ang GenSan bilang isang highly urbanized na lungsod ng South Cotabato.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *