Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa East Asia at Pacific na may pinakamabilis na paglago sa ekonomiya sa taong 2024, iyan ay ayon sa inilabas na economic growth forecast ng World Bank nitong Abril ngayong taon.

Ayon sa naturang Economic Update report, tinatayang nasa 5.8% ang ikinalago sa ekonomiya ng bansa at inaasahang tataas pa ito sa 5.9% sa taong 2025. Di hamak na mas mataas pa sa China na may 4.5%; Indonesia na may 4.9%; Malaysia na may 4.3%; 5.5% naman sa Vietnam, at 2.8% sa Thailand.

Sa inilabas na ulat ng World Bank, kasama ng Pilipinas ang bansang Cambodia na pumapangalawa sa may pinakamabilis na economic growth sa rehiyon kasunod ng bansang Palau na mayroong 12.4 percent.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *