Isang Groundbreaking Ceremony at Capsule Laying Ceremony ang isinagawa para sa Php4,933,145.73 Multi-Purpose Building Project sa Claveria City, Misamis Oriental nito lamang Abril 6, 2024.
Ang nasabing Multi-Purpose Building ay itatayo sa Barangay Hinaplanan kung saan ito ay naging posible sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ni Misamis Oriental 2nd District Congressman Bambi Emano, Misamis Oriental Governor Peter “Sr. Dr. Pedro” Unabia, Claveria Mayor Meraluna Salvaleon Abrogated, Vice Mayor Reynante Salvaleon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ang pagpapatupad ng proyektong ito ay sa ilalim ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ni DPWH Secretary Manuel Bonoan sa pamamagitan ng 2nd District Engineering Office.
Ang nasabing proyekto ay nagbibigay- diin sa kahalagahan ng pagpapahusay ng imprastraktura ng komunidad at pagpapadali sa iba’t ibang aktibidad at serbisyo para sa mga residente ng Barangay Hinaplanan.
Ito din ay sumasalamin sa pangako sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa mga nasasakupan ng Claveria, Misamis Oriental.
Panulat ni Molinos