Nagsagawa ng serbisyong medical ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) katuwang ang iba pang mga health volunteers para sa mga residente ng Barangay New Bulatukan sa bayan ng Makilala, Cotabato nito lamang ika-9 ng Abril 2024.

Aabot sa 242 na mga residente ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyo gaya ng libreng konsulta, bunot ng ngipin at tuli para sa mga batang lalaki.

Namahagi din ng mga “complementary food packs” sa walo na mga natukoy na “malnourished children” na siyang isang mabisang paraan upang malabanan ang problema sa malnutrisyon ng mga kabataan sa lalawigan.

Patuloy ang pamahalaang lokal ng Makilala, Cotabato na umiikot sa iba’t ibang barangay upang makapaghatid ng serbisyong medikal para sa mamamayan sa kanilang nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *