Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay tuluyan ng sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur nito lamang ika-10 ng Abril 2024.
Ang sumuko ay isang alyas “Eleng” (CTG member Non-PSR Listed), miyembro ng CTG Affected Mass Organizations sa ilalim ng Regional Urban Committee, Western Mindanao Regional Party Committee (WMPRC), dating Commanding Officer ng Front Committee-E “Amores” taong 1984-1990 at nagsilbi rin bilang isang courier, look out at caretaker ng CTG group sa ilalim ng nawasak na Guerilla Front (GF).
Ang sumuko ay nasa kustodiya na ni Hon. Panfilo Apostadero, Barangay Kagawad ng Barangay Sanghanan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.