Muli na namang pumarada ang Bookmobile Library Service Program o Library on Wheels ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa Renibon Elementary School, Pigcawayan, Cotabato nitong Ika-11 ng Abril 2024.

Hindi maikubli ang labis na kasiyahan ng 140 na mga estudyante ng nasabing paaralan habang binubuklat ng mga ito ang mga librong dala ng library on wheels at habang ginagamit ang mga “tablets at “talking pens.”

Nagpahayag ng pasasalamat kay Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, ang OIC principal ng paaralan na si Ms. Mylene S. Mangcap, pati na si Barangay Captain Rogelio Y. Nergua dahil napabilang ang kanilang barangay bilang isa sa mga benepisyaryo ng naturang programa.

Ang nasabing programa ay naglalayong maisulong ang pantay na edukasyon para sa lahat at mas mapaigting ang literacy development o kakayahang mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataan lalo na sa pagbabasa at pagsusulat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *