Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel “Migz” F Zubiri ang pag Turn-over ng Bukidnon Sports Stadium kasabay ng kanyang kaarawan sa probinsya ng Bukidnon nito lamang ika-13 ng Abril 2024.
Mainit na tinanggap ng buong probinsya ng Bukidnon ang pagdating ni Senator Zubiri kasama si Provincial Governor Rogelio Neil P. Roque na lubos na nagpapasalamat sa pagbisita ni Senator Zubiri.
Nagbigay naman ng mensahe si Governor Roque sa kanyang nasasakupan na maging responsable sa paggamit ng bagong Sports Stadium upang magamit ito ng mga tao lalong lalo na ang mga kabataan upang mahubog ang kanilang mga talento.
Bukod dito, possible din itong magamit ng Philippine Basketball Association o PBA upang idaos ang kanilang liga sa bagong pasilidad na ito.
Nagsimulang itayo ang Bukidnon Sports and Cultural Complex noong 2018 ng Department of Public Works and Highways 10 na may kabuuang budget na Php1.54 bilyon.
Naging matagumpay naman ang pag turn-over sa tulong ng DPWH Region 10, Provincial at City Government ng Malaybalay City.
Ang pagpapasaayos ng nasabing Sports Stadium ay bahagi ng pagpapayabong ng mga talento ng mga kabataan partikular na sa iba’t ibang sports activities.