Nagsagawa ng Medical-Dental Mission ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato sa Barangay Malibatuan, Arakan, Cotabato nito lamang ika-16 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Dr. Julius Patric Paccal, Dr. Lilian Roldan, Dr. Venancio Ang, Dr. Jose Kanda, Dr. Agnes Abalos, Dr. Gene T. Yuag, kasama ang mga nars mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO), at staff mula sa opisina ng Provincial Governor.

Sa kabuuang bilang na 291 na nakilahok, 183 sa mga ito ang nakatanggap ng medical check-ups habang 50 ang sumailalim sa dental examinations at tooth extractions, habang 31 na mga kabataang lalaki naman sa libreng tuli.

Bahagi rin ng nasabing programa ang pagbibigay ng kaukulang interbensyon sa mga batang may kakulangan sa timbang kung saan 27 malnourished children ang sasailalim sa tatlong buwang dietary supplementation at inisyal na binigyan ng pang-isang buwang complementary food packs. Nagbigay rin ng maintenance medicines, multivitamins, at feeding program para sa mga residente.

Patuloy na pagkilos ng pamahalaang panlalawigan ay pagpapakita ng dedikasyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalusugan sa komunidad. Sa pamamagitan din nito, inaasahan na mas maraming mamamayan pa ang makikinabang at magkakaroon ng access sa mahalagang serbisyong pangkalusugan

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *