Sinimulan na ang konstruksyon ng Proyektong Road Widening sa Cotabato-Lanao Road, matapos ang matagumpay na groundbreaking ceremony nito lamang araw ng Martes ika-16 ng Abril 2024.
Pinangunahan mismo ni Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura at Sultan Kudarat Vice Mayor Datu Shameem Mastura ang Groundbreaking Ceremony ng nasabing proyekto.
Ang Lanao-Cotabato Road Widening Project ay may lawak na 2.5 km overall net length kung saan mula sa 4 lanes ay magiging 6 lanes na ang lawak ng National Highway.
Ang proyekto ay pinondohan ng Php101,265,247.39 at inaasahan na matatapos ito sa loob ng 235 days.