Itinuro ng dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa kasundaluhan ng 75th Infantry Battalion ang imbakan ng armas at bala ng mga rebelde sa Sitio Catabadan, Barangay San Roque, San Miguel, Surigao del Sur.
Narekober ang isang AK47 Rifle, 390 gramo ng 7.76mm na bala, dalawang magasin at isang bandolier sa tulong ni Roel Salinas alyas Red dating Vice-Squad Leader ng Squad 2, Regional Sentro de Gravidad, Northern Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na kusang sumuko sa 75th IB.
Ayon kay LtCol John B Molero, na ang operasyon ay nagpapakita ng tapat na hangarin ni Salinas na tulungan ang gobyerno na tapusin na ang insurhensiya.
Hinimok din ni LtCol Molero ang natitira pang miyembro ng CTG na sumuko at pakinabangan ang benepisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at yakapin ang maayos na pamumuhay.
Panulat ni Jun